Ang Kwento ni Paraluman

About the song

Grounded in nature’s earthly sounds, Ang Kwento ni Paraluman explores one’s journey from the province into the city where one hears a new calling and discovers a deeper perspective. Through this song, Jaycen pays tribute to her roots while reintroducing herself for who she is today. It is her first single and the first track from her debut album, Liwanag//Dilim.

Learn more about Paraluman's story below.

Ang Kwento ni Paraluman Lyrics

Ito ay isang kwento tungkol kay Paraluman

Doon sa lalawigan na aking pinagmulan

Si Luman na mayumi, taga-roon sa bukid

Busog sa pagpupuri hanggang sa napagkamalang

May lihim na napakadilim

Sapantaha nila'y 'di na maatim

Kalasag niya ay nangingitim

Dahil sa marka ng bawat patalim

Hanggang sa napilitang umalis sa kaniyang bayan

Walang ibang dala kun'di hilakbot para sa kinabukasan

Si Luman ay matibay at handang lumaban

Kahit na bayanihan ay 'di na niya matagpuan

Kahit sa'n ay napakadilim

Natatanging ilaw niya'y kaniyang bituin

Sa mundo na puno na ng sakim

Mga puso ay ubod na ng itim

Kuya, maaari bang makahingi ng sabaw ng bulalo

Ate, maaari bang bilhin mo na itong piyayang dala ko

Nais ko lang namang magpatuloy sa paglalakbay kong ito

Patunayan sa kanila na ang pag-asa'y hindi nauubos

Sugod! Bitbit ang sulo

Hindi pa ito ang dulo ng istorya ko

Banyuhay ng buhay ay hindi nagtatapos

Dahil hindi natatapos ang pagkatuto

Kaya magkapitbisig, kailangan ko kayong

Maniwala sa akin at sa kaya ko

Ito ang aking panata sa inyo

Ikukwento ko pa rin ang karugtong

Credits

Performed by Jaycen Cruz

Written by Caitlin Jaycen Cruz

Produced by OMNEI.FM

Artwork by Albert Raqueño