Talipandas

About the song

Talipandas is the third track of the DILIM EP. The main emotion of the song is anger and so this was translated in the production as an aggressive punk energy with the use of electric guitar layers and loud drums.

Talking about generational gap and how people have the tendency to just point fingers without being accountable of their own actions and decisions, Talipandas is a call to action for us to be more responsible human beings, set aside any prejudice, and learn how to communicate.

Talipandas Lyrics

Sino nga ba ang may kasalanan

Yung pabalik na o yung papunta pa lang

Talipandas kung naturingan

Hindi kaya hindi lang nila naiintindihan

Mawala lang ng panandalian

Ang dami-rami nang sasabihin na naman

Kailan ba titigil ang kahibangan

Heto na, halika na at ating pag-usapan

Bugtong, bugtong, ano ang karugtong

Matapos mong tumulong ikaw pa ang ihuhulog

Tanong, tanong, bakit nagkagano'n

Ikaw na nga 'tong tama pero ikaw pa rin ang talo

Pariwara na raw sa kanilang paningin

Pare wala naman kaming pakialam sa sasabihin

Nais lang naman naming kami ay marinig kaya

Dinggin, dinggin, dinggin, dinggin, dinggin ang aming panalangin

Sino nga ba ang may kasalanan

Yung pabalik na o yung papunta pa lang

Talipandas kung naturingan

Hindi kaya hindi lang nila naiintindihan

Mawala lang ng panandalian

Ang dami-rami nang sasabihin na naman

Kailan ba titigil ang kahibangan

Heto na, halika na at ating pag-usapan

Nasabi na ang lahat ng sasabihin

Kaya pasensya na kung ako'y pabitin

Biro lang hindi pa ako titigil

Dito lang ako walang makakapigil

Kahit magbilang ka pa hanggang labindalawa

Mga binibigkas ko ay hindi mo na mabubura

Hindi kami blangkong papel na walang laman

Kaya basta-basta mo na lang sinusulat-sulatan

Nais lang naman naming kami ay mapakinggan kaya

Buksan, buksan, buksan, buksan, buksan ang iyong isipan

Sino nga ba ang may kasalanan

Yung pabalik na o yung papunta pa lang

Talipandas kung naturingan

Hindi kaya hindi lang nila naiintindihan

Mawala lang ng panandalian

Ang dami-rami nang sasabihin na naman

Kailan ba titigil ang kahibangan

Heto na, halika na at ating pag-usapan

Credits

Performed by Jaycen Cruz

Written by Caitlin Jaycen Cruz

Produced by OMNEI.FM

Artwork by OMNEI.FM and Jaycen Cruz