Huling Hibla

About the song

Huling Hibla is the sixth track of the DILIM EP and is described as the only hugot song in the album. With its lyrics focused on love that is about to be lost, Huling Hibla explores grace in the midst of pain and sorrow. The production translates this message with a powerful string arrangement and heavy piano to balance out the gentleness of the acoustic guitar.

The studio version also features dogs barking in the background and was intentionally retained in the recording. This song now serves as a remembrance of the dogs who have passed. (Run free, Yellow and Oreo)

Huling Hibla Lyrics

Bawat saglit sumusulyap

Mga matang nangungusap

Nauubusan ng kislap

Saan nga ba nagkamali

Hindi na maikukubli

Hindi na kaya pang manatili

Tama bang bitawan ang pangakong 'di mang-iiwan

Mali bang ipaglaban kung kaya pang subukang

Kumapit, kapit kahit na masakit

Ganyan kapag mapusok ang damdamin

Damhin ang bawat sandaling nalalabi

Bago tuluyang mamaalam sa natitirang hibla ng pag-ibig

Maaari bang humiling ng isang panghuling yakap at halik

Mula sa'yong mga labi at

Maaari bang humiling ng isang huling gabing kapiling ka

Sa ilalim ng mga bituin

Tama bang bitawan ang pangakong 'di mang-iiwan

Mali bang ipaglaban kung kaya pang subukang

Kumapit, kapit kahit na masakit

Ganyan kapag mapusok ang damdamin

Damhin ang bawat sandaling nalalabi

Bago tuluyang mamaalam sa natitirang hibla ng pag-ibig

Credits

Performed by Jaycen Cruz

Written by Caitlin Jaycen Cruz

Produced by OMNEI.FM

Artwork by OMNEI.FM and Jaycen Cruz