Magdiwang

About the song

Magdiwang is a song that Jaycen wrote for Kumu Music's first ever EP "Kasama Ka" ("With You"). This project features five Kumu livestreamers who won Kumu Music's campaign to produce an album which celebrates the connections and collaborations between the artists and their supporters.

Kumu Music "Kasama Ka" Tracklist:

Magdiwang Lyrics

Naririnig mo na ba ang mga palakpak

Pati na rin ang mga halakhak

Nagdiriwang para sayong

Likas na kagalingan

Talento mong 'di maparisan

Ligaya na walang hanggan

Naghihintay na sa iyo, giliw ko, oo

Naririnig mo na ba ang mga papuri

O sanay na sinusuri ng nasa paligid mo

Legasiya mong maiiwan

Dati'y puro hiraya lamang

Medisina mong pumawi sa gutom ng pusong ito giliw ko, oo

Kaya magdiwang (magdiwang, magdiwang)

Tayo ay sumayaw, tayo ay gumalaw

O aking kaulayaw

At kung hindi man (kundiman, kundiman)

Tayo ay sasayaw, tayo ay gagalaw

Sa paglubog ng araw

Ang nagwagi

Walang iba kundi ang pinakaswerteng tao sa buong mundo

Nung makilala ka hindi na muling nalito

Ikaw ang liwanag ko

At sa piging ilabas ang mga pinakabonggang putahe na kaya niyo

Para bang hinihintay na ang pasko

At ikaw ang regalo ko

Kaya magdiwang (magdiwang, magdiwang)

Tayo ay sumayaw, tayo ay gumalaw

O aking kaulayaw

At kung hindi man (kundiman, kundiman)

Tayo ay sasayaw, tayo ay gagalaw

Sa paglubog ng araw

Credits

Performed by Jaycen Cruz, Kumu Music

Written by Caitlin Jaycen Cruz

Produced by Bauhaus Music

Artwork by Kumu Music