Atin Ang Sandali is the first track of LIWANAG. This experimental track was originally written as a response to Mula Sa Dilim (Daloy) Using the same key and time signature, Jaycen's main intention in writing this song is to talk about the same thing but from a different perspective. If Mula Sa Dilim is the prayer, Atin Ang Sandali is the answer to that prayer.
Explore where you can listen to Atin Ang Sandali:
May tiwala ka ba sa akin
Maniniwala ka ba kung sabihin kong
Dinig ko ang iyong dalangin
At diringgin kahit saan ka man dalhin ng iyong mga hakbang
Saan ka man magpunta
Ikaw ay susundan
At puso mo ay iingatan
Hindi ka iiwanan hanggang sa makamtan ko ang iyong ngiti
Atin ang sandali
Ito ang alay sa iyo
Awit na pakikinggan sa tamang panahon
At sa oras na mapagtanto mong lahat ay itinakda
Ikaw ay mabubuo
Kumpleto na ako sayo
At sa iyong mga bituin
Kumikislap-kislap ka sa aking paningin
Na parang gintong nagniningning
Maaari ba akong maging isang sakim sa iyong mga ngiti
Atin ang sandali
Ano ba ang halaga ng mga salitang matalinghaga
Kung ako ay sa iyo na
At tayo, tayo ay iisa
Ano ba ang halaga ng mga salitang matalinghaga
Kung ako ay sa iyo na
At tayo, tayo ay iisa
Performed by Jaycen Cruz
Written by Caitlin Jaycen Cruz
Produced by OMNEI.FM
Artwork by OMNEI.FM and Jaycen Cruz