Umaga (Morning) is the second track from the LIWANAG EP. Written during the first month of the lockdown due to COVID, Umaga now serves as a timestamp - reminding us of that time when we had no idea if or when we'll be able to wake up the next day and enjoy another beautiful morning. As hopeless as that time was, this song remained hopeful and hopes to become a light during the darkest of days.
Explore where you can listen to Umaga:
Paano bang maging masaya
Paano ‘pag wala nang dahilan para tumawa
Nawawalan na ng pag-asa
Hinahanap ang ngiti paggising sa umaga
Kinakausap ang sarili sa salamin
Kailan ba, paano ba babalik sa dati
Sa dating umaga
Dating umaga na kay ganda
Patuloy na aasa
Kahit mawalan na ng hiya
Ako’y nagtitiwala
Na darating muli ang liwanag
Ng bagong umaga
Gusto ko nang maranasang muli ang mga yakap at halik
Ang mga bisig na umaakay sa akin tuwing humihikbi
Matagal pa ba
Tatagal pa bang manatili dito na nag-iisa
Kinakausap ang sarili sa salamin
Kailan ba, paano ba babalik sa dati
Sa dating umaga
Dating umaga na kay ganda
Patuloy na aasa
Kahit mawalan na ng hiya
Ako’y nagtitiwala
Na darating muli ang liwanag
Ng bagong umaga
Bagong umaga
Bagong umaga na kay ganda
Puno na ng pag-asa
Wala nang pag-aalala
Ako’y nagtitiwala
Na darating muli ang liwanag
Ng bagong umaga
Performed by Jaycen Cruz
Written by Caitlin Jaycen Cruz
Produced by OMNEI.FM
Artwork by OMNEI.FM and Jaycen Cruz