Kandilihin is the third track of the LIWANAG EP. While the meaning of the word "kandilihin" is usually related to charitable acts, Jaycen attempted to use it in a more romantic way.
This intimate "kilig" track talks about a long distance relationship and how their love is strong enough to overcome the distance.
Explore where you can listen to Kandilhin:
Nais kong ibahagi sa iyo
Kung paano nagkaroon ng bahaghari ang buhay kong ito
Mula sa malamayang mundo
Ako ay nakalaya, hindi ko inakala
Ikaw ang gabay
Hawak kamay
‘Di na hihiwalay
Kahit pa sa paglisan
Hindi na maiiwang mag-isa
Nakadikit ka sa aking balintataw
Kaya kahit hindi ka na natatanaw
Ikaw pa rin ang sinisigaw, sinisigaw
Ng puso ko, wala nang ibang kaagaw
Nasasabik na sa iyong pagbabalik
Nanggigigil na sa iyong mga halik
Kahit gaano pa bali-baligtarin
Wala na akong ibang nais kandilihin
Ikaw at ikaw pa rin
Ako’y mamamalakaya
Hanggang sa makamit walang hanggang pag-ibig nating dalawa
At sa pagdaong sa dalampasigan
Bitbit ang halaga mula sa kaibuturan ng puso’t kaluluwa
Haliparot man kung maituturing
Sa iyo lang ako hanggang magtakipsilim
Kahit saang kalye man mapadpad
Ipagsisigawan ang pagmamahal
Nakadikit ka sa aking balintataw
Kaya kahit hindi ka na natatanaw
Ikaw pa rin ang sinisigaw, sinisigaw
Ng puso ko, wala nang ibang kaagaw
Nasasabik na sa iyong pagbabalik
Nanggigigil na sa iyong mga halik
Kahit gaano pa bali-baligtarin
Wala na akong ibang nais kandilihin
Ikaw at ikaw pa rin
Performed by Jaycen Cruz
Written by Caitlin Jaycen Cruz
Produced by OMNEI.FM
Artwork by OMNEI.FM and Jaycen Cruz